Patay ang 2-anyos na batang babae matapos masagasaan ng tricycle sa bayan ng Burgos sa lalawigan ng Ilocos Sur.

Iniulat ng "Unang Balita" nitong Biyernes na lumabas ng bahay ang biktima kasama ang tiyahin at may bibilhin lamang sa tindahan.

Habang nasa kalsada, nakita umano ng bata ang kanyang lolo na dumaan sakay ng isang tractor.  Tumakbo ang bata upang habulin ang kanyang lolo.

Dito na nasapol ang bata ng paparating na tricycle.

Ayon sa mga pulis, hindi na umano magsasampa ng reklamo ang pamilya ng bata laban sa tricycle driver, dahil kamag-anak din nila ito.

Watch provincial news roundup:

 

—LBG, GMA News