Marami ang humanga sa pinakabagong music video ng grupong SB19 na "What?" dahil sa mga historical at cultural content nito ng Pilipinas.

Sa Star Bites report ni Cata Tibayan sa GTV "Balitanghali" nitong Huwebes, sinabing tampok sa video ng boy group ang Murillo map, na ginagamit ng Pilipinas sa claims nito sa West Philippine Sea.

Mayroon na ngayong mahigit 2.3 milyong views ang video.

Available na rin ang "What?" sa mga digital platform.

--Jamil Santos/FRJ, GMA News