Inihayag ni Heart Evangelista ang kaniyang pananabik na makita ang asawang si Senator Chiz Escudero nang i-tag niya ito sa isang Instagram post.

Sa kaniyang post, ibinahagi ni Heart ang kaniyang partnership sa isang mamahaling brand ng relo.

Sinulit naman ni Heart ang mga nalalabi niyang pagkakataon bago umuwi para sa New Year.

Gayunman, sinabi niyang gusto na niyang makita ang kaniyang asawa.

"See you soon @escuderochiz," caption ni Heart, na kinakilig ng netizens.

 

"Pinagalaw na ni ninang ang baso!! Team keso at puso tayo" saad ng isang netizen.

"I love how a simple Ps shuts down all the rumors" ayon naman sa isa pang commenter.

"Team Keso at Team Puso tayooooo foreverrrrr!!! charoott!" sabi ng isa pa.

Naging usap-usapan ang hiwalayan umano nina Heart at Chiz matapos aminin ng aktres at fashion icon na mayroon siyang pinagdadaanan, kasabay din ng pagkuha niya ng isang apartment sa Paris. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News