Inanunsyo ni Xander Ford na magiging tatay na siya at inaasahan na nila ang unang anak nila ng kaniyang nobya.

Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ni Xander ang positibong pregnancy test at ultrasound ng kaniyang nobyang si Gena Magno.

"This is my [First time] Experience hindi ko alam paano ako mag Uumpisa pero alam ko Masaya ako kasi ito na [sya]. Ilang months [Na lang] Malalaman [na namin] ang [gender] nya ???????? ngayun Pangalan [na lang] Ang pag iisipan namin. [Excited] na po ako," caption ni Xander, o Marlou Arizala sa tunay na buhay.

 

"SOON TO BE MOMMY AND DADDY Xander Ford??" anunsyo naman ni Gena sa kaniyang Facebook page.

 

Ayon kay Gena, anim na buwan na siyang buntis.

"Alam ko po madaming magsasabi na masyado pang maaga para magkaanak kami and aminado po kami doon pero hindi pa naman po doon natatapos ang journey naming dalawa. Hindi po porket nagkaanak na kami ay doon na titigil ang mga pangarap namin at ang buhay namin," saad niya.

Dagdag ni Gena, magsisilbing inspirasyon nila ni Xander ang kanilang anak.

"Bagkus isa po ito sa magiging inspirasyon naming dalawa para mas pag igihan pa sa mga goal namin sa buhay. Papanindigan namin ito at papalakihin namin ang magiging baby namin ng maayos at ipapangako namin na magiging isang mabuting magulang kami sa kaniya."

Nakiusap naman si Gena sa mga basher na sila na lang ni Xander ang kanilang batikusin, pero huwag ang kanilang anak.

"Sa mga basher din po okay lang po kami ang ibash ninyo wag lang po yung magiging baby namin please lang????" sabi niya. —LBG, GMA News