Itinakda sa darating na December 18, Linggo, ang send-off concert ng Ben&Ben, bilang pagsunod sa kahilingan ng fans na gawin ito sa weekend.

Matatandaan na hindi natuloy ang naturang concert noong September 3 dahil sa malakas na ulan, at iniurong ito sa December 16, Biyernes.

Inanunsyo ng OPM band ang bagong petsa ng send-off concert sa Instagram.

"Narinig ang dasal natin, Liwanag," ayon sa Ben&Ben. "Weekend na gaganapin yung concert!"

"The Final Date for the concert is on December 18, Sunday! At the SMDC Festival Grounds."

Magsisimula umano ang programa sa ganap na 7:30 pm. Abangan din ang detalye tungkol sa karagdagang tickets.

Inilunsad ng Ben&Ben ang kanilang latest single na "The Ones We Once Loved." Magkakaroon din sila ng concert sa ibang bansa, una na sa North American. —FRJ, GMA News