Napanood ngayong Sabado si Julia Barretto sa Eat Bulaga bilang celebrity guest ng "Bawal Judgmental" segment ng longest-running noontime show.

Bilang panauhin, tinulungan ni Julia ang isang female contestant na kilatisin ang mga lolo at lola na nag-viral at nagkaroon ng mahigit dalawang milyong views.

Hindi rin nagpahuli si Julia sa kulitan at kuwentuhan, game na sumayaw at nakipag-picture pa kasama ang Dabarkads.

 

Tila nabitin naman ang mga "Batang Hamog" na sina Maine Mendoza, Maja Salvador, Miles Ocampo, at Ryzza Mae Dizon sa pakikipag-bonding kay Julia, kaya tinuruan nila ito ng 'Hamog' moves.

"Anong gagawin niyo kung next week batang hamog na rin si Julia rito?" tanong ni Allan K.

"Mukhang papunta na nga tayo doon," tugon ni Julia.

Bumisita si Julia sa Eat Bulaga para i-promote rin ang kaniyang pelikula kasama si Carlo Aquino na "Expensive Candy" sa Setyembre 14. —LBG, GMA News