Pinangalanan ng mga awtoridad sa Nepal ang Pilipino na nawawala matapos ang matinding flash flood na naganap sa naturang bansa. Habang humingi naman ng tulong ang kaniyang kapatid para mahanap siya.
Ayon sa opisyal na tala ng Department of Tourism ng Nepal, nakalista sa mahigit 1,000 katao na nawawala ang Pinoy na si Juan Carlos Manalo, kaugnay sa nangyaring trahediya noong Miyerkules.
Tinukoy si Manalo na bahagi ng isang "trekkers society."
Samantala, dumulog sa social media si Chiara Manalo, na nagpakilalang kapatid ni Juan Carlos, upang humingi ng impormasyon tungkol sa kinaroroonan nito, at pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad ng Nepal.
"Juan Carlos Manalo has been out of contact with his family since the flash flood on August 26," saad ni Chiara sa Facebook post.
He was traveling with the Isha Sadghuru group on a Kailashyatra tour, with the group’s last known whereabouts at the Immigration Office in Gyirong, the post read, which identified her brother as a Filipino doctor.
Ayon sa post, bumiyahe si Juan Carlos kasama ang grupong Isha Sadghuru para sa isang Kailashyatra tour. Ang huling alam na kinaroroonan ng grupo ay sa Immigration Office sa Gyirong.
Tinukoy rin sa post ang kaniyang kapatid bilang isang doktor.
Ang huling pakikipag-ugnayan niya sa kaniyang pamilya ay noong Agosto 25, dakong 1:21 pm, oras sa Pilipinas (o 11:06 am na oras sa Nepal)
Sinabi ni Chiara na sinisikap ng kanilang pamilya na makipag-ugnayan sa mga opisyal ng Pilipinas para humingi ng tulong.
“My brother, Juan Carlos, was at the immigration office in Nepal when the flash flood happened,” sabi niya GMA News Online via private message.
Ayon kay Chiara, nakipag-ugnayan siya sa Philippine Embassy sa New Delhi, na kumakatawan sa Pilipinas sa Nepal, at binigyan siya ng isa pang contact number ngunit hindi niya ito makontak hanggang sa oras ng kaniyang pag-post.
Humihingi ngayon ang pamilya ng iba pang contact o ahensiya na maaaring tumulong sa pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad ng Nepal, at sa nagpapatuloy na search and rescue operations.
Nanawagan din ang pamilya sa sinumang may impormasyon tungkol kay Juan Carlos o sa grupong kasama niya sa paglalakbay na makipag-ugnayan sa kanila.
“Any information or news about him or his group would be greatly appreciated,” anang pamilya.
They also called for prayers that Juan Carlos may safely return to home, saying the family has found it difficult to follow news of the catastrophe while waiting for updates.
Humingi rin sila ng panalangin para sa ligtas na pagbabalik ni Juan Carlos. Sinabi ng pamilya na nahihirapan silang subaybayan ang mga balita tungkol sa nangyaring trhaediya habang naghihintay ng anumang update.
Narito ang mga contact number na ibinigay ng pamilya para sa anumang impormasyon tungkol kay Juan Carlos:
Jose Rodrigo Manalo: +63 917 302 3077
Dinah Marie Manalo: +63 917 514 3465
Chiara Manalo: +63 917 791 7849
Samantala, hindi pa rin tinutukoy ng Philippine Embassy sa publiko ang Pinoy na naiulat na nawawala sa naturang sakuna.
Nauna nang kinumpirma ni Philippine Ambassador to New Delhi Josel F. Ignacio na isang Pilipino ang kabilang sa mga naiulat na nawawala. Aniya, hindi residente ng Nepal ang naturang Pinoy at naghihintay pa ang mga opisyal ng pormal na impormasyon.
Nepal and China resumed rescue operations that had been suspended briefly in the flood-hit Himalayas on Friday after risks from an overflowing lake were found to be manageable, easing fears of fresh devastation.
Muling ipinagpatuloy ng Nepal at China nitong Biyernes ang rescue operations na pansamantalang sinuspinde sa mga lugar sa Himalayas na sinalanta ng baha, matapos matukoy na may panganib mula sa umaapaw na lawa.
Sa ngayon, umabot na sa 547 katao ang nasawi sa Nepal, at lima naman sa kalapit nito Tibet, China.
Itinuturong dahilan ng flash flood ang pagbagsak ng glacier at bahagi ng bundok na nagpaapaw sa ilog at rumagasa ang tubig na may kahalong putik at debris sa mga lugar na tinumbok ng agos.— FRJ GMA News

