GMANetwork.com - Foundation - Home of the Kapuso Foundation

This is the official website of the Kapuso Foundation, the most accomplished, most trusted, and most credible non-government organization in the Philippines.


Mga kababaihang natulungan ng GMA Kapuso Foundation, sumigla at lumago na ang kabuhayan

Apr 5, 2022
kapusongtotoo

Sa bawat donasyong natatanggap ng GMA Kapuso Foundation, marami ang nabibigyan ng pagkakataong mabago ang buhay. Gaya nina Fermina at Geraldine, na mas sumigla at lumago ang kabuhayan dahil sa mga handog nating tulong. Sa inyong patuloy na suporta, marami pa tayong matutulungan at mapapasaya. Read more


Tatay na may kapansanan, kabilang sa mga nabigyan ng bagong bubong ng GMA Kapuso Foundation

Apr 5, 2022
GMA Kapuso Foundation

Kabilang ang isang tatay na may kapansanan sa mga nabigyan ng bagong bubong ng GMA Kapuso Foundation sa Bohol. Read more


100 pamilya na sinalanta ng bagyong Odette sa Buenavista, Bohol, nakatanggap ng bagong bubong sa ilalim ng "Silong Kapuso Project"

Apr 4, 2022
kapusongtotoo

Sa pamamagitan ng ating "Silong Kapuso Project," tuluy-tuloy ang paghahatid natin ng pag-asa sa mga sinalanta ng bagyong Odette noong nakaraang taon. Kabilang sa mga nabigyan natin ng tulong ang pamilya ng isang amang imbes na magpatalo sa kanyang sakit, ay nagpakatatag at nagpatuloy pa rin sa buhay. Ngayon, unti-unti na silang makakapagsimula ulit sa handog nating bagong bubong at iba pang materyales mula sa GMA Kapuso Foundation. Read more


Ilang kababaihan sa Sta. Barbara,Pangasinan at Tublay, Benguet nakatanggap ng regalo mula sa GMA Kapuso Foundation

Mar 31, 2022
kapusongtotoo

Ang pagsisikap ng mga kababaihan lalong-lalo na ng mga ina ay hindi matutumbasan, maibigay lang ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Minsan pati kanilang kalusugan naisasantabi nila. Kaya ang GMA Kapuso Foundation, binibigyang halaga ang kanilang kapakanan. Bilang selebrasyon ng 'women's month' ngayong Marso, naghatid tayo ng mga regalo sa mga kababaihang walang kapaguran sa paghahanapbuhay. Read more


GMA Kapuso Foundation, nagbigay ng pap smear at breast exam para sa women vegetable farmers

Mar 31, 2022
GMA Kapuso Foundation

Ngayong Women's Month, naghandog ang GMA Kapuso Foundation ng mga regalo sa women vegetable famers mula sa Buguias, Benguet. Read more


Libreng medical consultation at groceries, handog ng GMA Kapuso Foundation sa mga kababaihang vegetable farmers sa Buguias, Benguet ngayong 'women's month'

Mar 30, 2022
kapusongtotoo

Ika nga nila, ang magtanim ay 'di biro, lalo na para sa masisipag nating magsasaka! Kaya ang kanilang kalusugan, dapat ding mapangalagaan at masigurong may sapat silang lakas para sa araw-araw na pagkayod. Ang ilang kababaihang vegetable farmer sa Benguet, hinandugan natin ng mga regalo ngayong 'women's month,' kabilang ang libreng medical consultation. Read more


GMA Kapuso Foundation, ipinagawa ang bubong ng magkakapatid na nakasilong sa pinaglumaang banig

Mar 30, 2022
GMA Kapuso Foundation

Sa ilalim ng Silong Kapuso project, namahagi ang GMA Kapuso Foundation matitibay na roofing materials sa Buenavista, Bohol. Read more


Mga taga-Buenavista, Bohol na naapektuhan ng Bagyong Odette, binigyan ng grocery packs at bagong bubong ng GMA Kapuso Foundation

Mar 29, 2022
kapusongtotoo

Mapait man ang sinapit sa bagyong Odette, hindi natinag ang determinasyon at pag-asa ng mga kabataan sa lalawigan ng Bohol. Gaya ng magkakapatid sa bayan ng Buenavista, na kahit bakas pa rin ang pinsala sa kanilang tahanan tuloy lang ang pag-aaral at pagsisikap para sa pangarap. Isa ang kanilang pamilya sa mga nakatanggap ng tulong mula sa GMA Kapuso Foundation, kabilang ang bago at matitibay na bubong. Read more


GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa Taal evacuees

Mar 29, 2022
GMA Kapuso Foundation

Muling naghatid ng tulong ang GMA Kapuso Foundation sa mga residenteng malapit sa Taal Volcano na kinailangan lumikas. Read more


GMA Kapuso Foundation, agad naghatid ng tulong sa mga naapektuhan ng muling pag-alburoto ng Bulkang Taal

Mar 28, 2022
kapusongtotoo

Tila nanumbalik ang pangamba at alaala ng mala-bangungot na karanasan ng maraming residente malapit sa Bulkang Taal. Marami kasi sa kanila, mabilisang inilikas ulit dahil sa muli na namang pag-alburoto ng bulkan. Agad naghanda at bumiyahe patungong Batangas ang inyong GMA Kapuso Foundation para maghatid ng tulong sa mga inilikas na pamilya. Read more


GMA Kapuso Foundation, namigay ng bagong bubong sa Buenavista, Bohol

Mar 28, 2022
gma kapuso foundation

Isang daang residente ng Buenavista, Bohol, ang nabigyan ng GMA Kapuso Foundation ang bagong bubong Read more


100 residente ng Buenavista, Bohol na sinalanta ng bagyong Odette, binigyan ng grocery packs at bagong bubong ng GMA Kapuso Foundation

Mar 25, 2022
kapusongtotoo

Tuluy-tuloy ang tulong at suporta ng GMA Kapuso Foundation sa mga sinalanta ng bagyong Odette, na ngayo'y unti-unti nang nagsisimulang muli. Sa Buenavista, Bohol, nakilala namin ang isang mangingisda na inanod hindi lang ang mga bangkang katuwang niya sa hanapbuhay, kundi pati mga gamit at kanya mismong tahanan. Ang mga kagaya niya ang hangad nating matulungan at mabigyang pag-asa sa ating "Silong Kapuso Project". Read more


GMA Kapuso Foundation, ipinasuri ang magkapatid na vendor sa Antipolo

Mar 25, 2022
GMA Kapuso Foundation

Ipinasuri ng GMA Kapuso Foundation ang magkapatid mula sa Antipolo na naglalako ng prutas at itlog para makatulong sa kanilang pamilya. Read more


Magkapatid sa Antipolo City na kumakayod para sa pamilya binigyan ng tulong ng GMA Kapuso Foundation

Mar 24, 2022
kapusongtotoo

Kahapon nasaksihan natin ang kwento nina Patchao at Tommy mula Antipolo City, ang magkapatid na nagsusumikap na magtrabaho sa kagustuhang matulungan ang mga magulang. Sa halos araw-araw nilang paglalakad habang may dala-dalang mabibigat na kahon. Sa kanilang edad, ano kaya ang tamang bigat na dapat nilang binubuhat? Read more


Magkapatid na naglalako, humiling ng sidecar sa GMA Kapuso Foundation

Mar 24, 2022
gma kapuso foundation

Hiling ng magkapatid sa GMA Kapuso Foundation ang sidecar para makatulong sa paglalako nila ng itlog at prutas. Read more

advertisement


Magkapatid sa Antipolo City, hiling na magkaroon ng sidecar para matulungan ang ama sa paghahanapbuhay

Mar 23, 2022
kapusongtotoo

Magkapatid sa Antipolo City, hiling na magkaroon ng sidecar para matulungan ang ama sa paghahanapbuhay   Read more


GMA Kapuso Foundation, naghandog ng pap smear at breast exam para sa kababaihan sa Antipolo

Mar 23, 2022
GMA Kapuso Foundation

Naghandog ang GMA Kapuso Foundation ng pap smear, breast exam at iba pang mga regalo sa kababaihan sa Antipolo bilang pagdiriwang ng Women's Month. Read more


100 kababaihan sa Antipolo City, hinandugan ng GMA Kapuso Foundation ng kapuso grocery packs, libreng pap smear at breast examination ngayong 'Women's Month'

Mar 22, 2022
kapusongtotoo

Ngayong Marso, pagpupugay at pagsaludo po sa lahat ng kababaihang walang inuurungan! Lahat kinakaya gaya ng masisipag na magsusuman sa Antipolo City na pinadapa man ng pandemya ay dumiskarte at hindi nawalan ng pag-asa. Kabilang sila sa mga hinandugan ng espesyal na mga regalo ng GMA Kapuso Foundation.   Read more


GMA Kapuso Foundation, may ayuda para sa mga alagang hayop sa Limasawa Island

Mar 21, 2022
GMA Kapuso Foundation

Bukod sa food packs para sa mga residente, naghatid din ang GMA Kapuso Foundation ng feeds para sa mga alagang hayop sa Limasawa Island. Read more


Mga residente ng Limawasa Island, hinatiran ng GMA Kapuso Foundation ng food packs at libreng feeds para sa mga alaga nilang hayop

Mar 18, 2022
kapusongtotoo

Tatlong buwan mula nang humagupit ang Bagyong Odette, hirap pa ring makahanap ng mapagkakakitaan ang maraming residente sa  Limasawa Island. Ang ilang matagal nang ikinabubuhay ang pag-aalaga ng mga hayop gaya ng manok, hindi pa rin daw alam kung paano makakapagsimula ulit dahil kapos pa sa pera.  Kaya naman bukod sa food packs, may handog ding tulong ang GMA Kapuso Foundation para sa kanilang kabuhayan. Read more