Isang mananaya ang pumaldo ng P25.3 milyon matapos na tamaan ang lumabas na kombinasyon ng mga numero sa Superlotto 6/49 draw nitong Linggo ng gabi, September 6, 2026.
Sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) live draw nitong Linggo, isang mananaya ang tumama sa kombinasyon ng mga numero na 39-29-44-15-43-25, sa Superlotto 6/49 draw na may kabuuang premyo na P25,303,908.47.
Tinayaan ang naturang winning ticket sa Parañaque City.
Samantala, nananatiling mailap ang malaking jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58 na wala pa ring nanalo nitong Linggo.
Ang lumabas na winning number combination ay 29-38-10-49-23-07 na umaabot na ang premyo sa P272,327,172.65.
Noong Sabado, wala ring tumama sa Grand Lotto 6/55 draw na umaabot naman sa mahigit P177 milyon ang premyo. – FRJ GMA News

