Suspendido ang face-to-face classes sa ilang lugar sa bansa sa Huwebes, November 26, 2026, dahil sa inaasahang epekto ng mainit na panahon at iba pang kadahilanan.

Narito ang listahan ng mga apektadong lugar at paaralan:

City of Dasmariñas, Cavite— Idineklarang Special (Non-Working) Day sa lungsod bilang selebrasyon sa kanilang 17th Cityhood Anniversary sa ilalim ng Presidential Proclamation No. 1507.

Philippine Science High School Calabarzon campus sa Batangas City - online learning setup mula Nov. 26 hanggang 27 dahil sa mga estudyante nakararanas ng flu-like symptoms.

Bacolod City National High School-- classes will shift to Alternative Delivery Mode (ADM) dahil sa magiging epekto ng mataas na heat index.

I-refresh ang page para sa update—FRJ GMA News