Isang mananaya ang nanalo ng P44 milyon sa Megalotto 6/45 draw nitong Biyernes ng gabi, November 27, 2026.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang lumabas na kombinasyon ng mga numero ay 33-37-36-26-23-03, na may kabuuang premyo na P44,198,060.38.
Nakasaad sa anunsyo ng PCSO na tinayaan ang winning ticket sa Bulacan.
Samantala, umabot na sa P603.58 milyon ang jackpot sa kasabay nitong draw na Ultra Lotto 6/58.
Pero walang mapalad na mananaya na nakahula sa lumabas na mga numero na 18-13-06-07-05-45. – FRJ GMA News

_2026_11_27_22_38_02.jpg)