Tinalo ng Gilas Pilipinas ang Syria, 97-58, sa unang paglalaro ni Bennie Boatwright bilang miyembro ng national team sa ikalimang window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers nitong Biyernes na ginanap sa Malaysia.

Matapos ang dikit na unang quarter na nagtapos sa 18-all, umalagwa ang Pilipinas sa ikalawang quarter matapos magtala ng 25 puntos laban sa 14 ng Syria. Dahil dito, nakuha ng Gilas ng 43-32 na kalamangan pagdating ng halftime.

Nagpatuloy ang pamamayagpag ng Gilas sa second half matapos na limitahan ang Syria sa 13 puntos, habang nagpakawala naman ang Pilipinas ng 29 puntos sa third quarter.

Dahil sa panalo, umangat sa 5-4 ang kartada ng Pilipinas, habang bumagsak naman sa 2-7 ang Syria.

—FRJ GMA News