Dalawang batang magkapatid ang natagpuang patay sa Pasig River nitong Huwebes ng umaga.

Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon sa GMA News TV, kinilala ang mga biktima bilang Ronald Angelo, 11, at Dave de Mano, 4.

Sa may Barangay Poblacion, Makati City nakita si Ronald at sa bandang Barangay West Rambo naman nakita si Dave.

Ayon sa tiyahin ng mga bata, nawala na lang daw sila noong Miyerkules matapos umalis ng hindi nagpapaalam.

May nagsabi lang daw sa kanila na may nakakita sa dalawang bata na ngangalakal sa ilog.

Nang may makakita sa mga bangkay sa ilog nitong umaga, positibong kinilala ng nanay at tiyahin ang dalawang magkapatid. —NB, GMA News

Tags: