Matapos umanong usigin ng konsensiya, umamin sa krimeng ang suspek sa pamamaril sa negosyanteng si  Dominic Sytin noong nakaraang taon sa Subic, Zambales.



Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Miyerkoles, sinabing naghain ng "guilty" plea ang gunman na si Eduardo Luib, kaugnay sa pagpatay kay Sytin, na binaril sa harap ng isang hotel sa Subic noong nakaraang Nobyembre.

Nasugatan naman ang bodyguard ng biktima matapos makipagbarilan sa salarin.

Bukod sa pag-amin sa krimen, itinuro rin niya bilang utak ng krimen ang kapatid ng biktima na si Dennis Sytin, na patuloy pa ring pinaghahanap.

Nanawagan ang misis ng biktima sa kaniyang bayaw na sumuko na at harapin ang kaniyang kaso.--FRJ, GMA News