Napatay sa Pampanga matapos umanong manlaban sa mga pulis ang suspek sa paghalay at pagpatay sa isang babae sa Subic, Zambales. Ang biktima, nagtamo ng mahigit 30 saksak at ninakawan pa.

Sa ulat ni Raffy Tima sa GMA News Tv "Quick Response Team" nitong Biyernes, sinabing Agosto 20 nang halayin at patayin ng suspek na si Samuel Percian, ang biktima si Carmela Catindig sa Mabalacat, Pampanga.

Ayon sa bayaw ng biktima, nangungupahan malapit sa kanilang bahay si Percian at bumibili sa kanilang tindahan. Kung minsan, ang biktima umano ang tumatao sa tindahan.

Nang makatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad sa kinaroroonan ni Percian sa Zambales, sisilbihan sana nila ito ng arrest warrant pero nagpaputok ng baril.

Gumanti naman ng putok ang mga pulis na ikinamatay ng suspek.

Bukod sa paghalay at pagpatay kay Catindig, sangkot din umano si Pecian sa mga kaso ng nakawan.-- FRJ, GMA News