Buo na matatanggap ng mga kawani ng Pasig City ang kanilang sahod sa panahong umiiral ang enhanced community quarantine, ayon sa kanilang alkalde na si Vico Sotto.

"Wag kayong mag-alala, tuloy-tuloy kayong makakatanggap ng buong sweldo [...] Gagawan natin ng paraan. Basta, mag-ingat, at hangga't maaari sa bahay lang muna kayo," sabi ni Sotto sa Facebook post.

"Sa mga empleyado namang nasa Frontlines, meron kayong hazard pay, OT, at iba pang benepisyong maaasahan," dagdag niya.

Sa ilalim ng Executive Order No. PCG-15, tinukoy ng Pasic City Government ang mga tanggapan nila na maaaring magtrabaho sa bahay ang mga kawani:

    All satellite offices of BPLO and RPT
    BAO
    Civil Registry
    Livelihood
    IAS
    UPAO
    BCLP
    Pasig Sports Center
    PDAO
    Tanghalang Pasigueno
    PACD
    PHRU
    Scholar
    YDC
    CPDO
    Cooperative Development Office
    CATO
    Building Official
    City Perks
    GAD
    LYDC
    Assessor
    PLP
    Library
    PCIST
    PESO
    PLEB
    RAVE
    Museum
    OSCA

Ipatutupad naman ang skeletal workforce sa mga sumusunod na tanggapan:

    Office of the City Mayor
    Budget Office
    Accounting Office
    CTDMO
    GSO-Building Utility, Central Supply
    HRDO
    Treasury
    Public Information Office
    Office of the City Administrator
    Ugnayan sa Pasig
    Records Management Office
    Engineering
    Building Maintenance
    Electrical Maintenance
    MIS
    CENRO

Full operation naman ang mga sumusunod:

    City Health Office
    CDRRMO, RED
    Youth Home
    PCCH
    Market Administration
    TORO
    Action Line
    BCEO
    City Veterinary Service Office, PACU
    DSWD, DayCare
    BAC
    PCGH
    Solid Waste
    TPMO
    Kabataan Patrol
    OPS

Ipinapaubaya naman sa Office of the Vice Mayor at iba pang legislative offices ang pagpapatupad ng kanilang sariling alternative work arrangements.--Joahna Lei Casilao/FRJ, GMA News

Tags: