Matapos ang tatlong taong pagtatago, arestado ang isang lalaking suspek sa panggagahasa sa kaniyang pinsan, ayon sa ulat ni Mav Gonzales sa Unang Balita nitong Lunes.

Menor de edad pa ang suspek nang ireklamo ng panggagahasa noong 2017. Naaresto siya habang nagtatago sa bahay ng kamag-anak sa San Ildefonso sa Bulacan.

Top 7 daw sa Most Wanted suspects ng Quezon City Police District Station 11 ang suspek, na hindi nagbigay ng pahayag. --KBK, GMA News