Opisyal nang nagsimula ang “Pinoy Big Brother: Collab 3.0” nitong Sabado, kung saan pumasok na ang bagong grupo ng mga housemate sa pinakabagong Bahay ni Kuya.
Ipinakilala sa season premiere ang 16 housemates, kasama ang celebrities mula sa Sparkle at Star Magic tulad nina Cianne Dominguez, Robbie Jaworski, Anthony Constantino at Mikee Quintos at iba pa, pati na rin ang dating miyembro ng UNIS na si Gehlee Dangca, pati na rin ang mga ordinaryong indibiduwal na haharap sa mga hamon sa loob ng Bahay ni Kuya.
Nag-perform ang mga dating housemate ng “Pinoy Big Brother” na sina Maymay Etrata, Will Ashley, Caprice Cayetano, Lella Ford, Carmelle Collado, at Heath Jornales ng “Pinoy Ako” ng Orange and Lemons, ang iconic theme song ng reality show.
Ipinakilala rin si Michael Sager bilang bagong host ng reality show na mapapanood sa GMA Network.
Sina Brent Manalo at Mika Salamanca ang Big Winner duo ng unang "PBB: Celebrity Collab Edition."
Noong Pebrero, sina Caprice Cayetano at Lella Ford ang itinanghal na Kapuso at Kapamilya Big Winners ng "PBB: Celebrity Collab Edition 2.0." — Jamil Santos/VBL GMA News

