Patay ang isang taxi driver sa pamamaril nitong Miyerkules ng gabi sa Quezon City, ayon sa mga pulis.

Iniulat ng "Unang Balita" nitong Huwebes na nangyari ang insidente sa may Aurora Street sa Barangay Holy Spirit.

Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis na na-hold up ang biktima, pinatay ito at tinangay pa ang taxi nito.

Pahayag ng mga residente sa lugar, pasado alas-nuebe kagabi nakarinig sila ng malakas na kalabog.

Kasunod nito nakita na ang bangkay ng biktima at isang taxi ang humarurot papalayo.

Iniimbestigahan na ng nga mga pulis ang insidente. —LBG, GMA News