Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa kanyang bahay sa Barangay Batasan Hills, Quezon City Biyernes ng gabi.

Ayon sa asawa ng biktima na kinilalang si Luis Abrigo, 50, natutulog siya pero biglang nagising dahil may narinig silang mga taong pilit na binubuksan ang pintuan.

Tatlong lalaking nakadamit sibilyan ang pumasok sa kanilang bahay.

Dagdag ni Tessie Valero, asawa ng biktima, nakalaya si Abrigo sa kulungan noong June 6, 2020 matapos maabsuwelto sa kasong droga pagkatapos ng pitong taon.

Wala umanong kaaway ang kanyang asawa kaya blangko siya sa kung sino ang posibleng nasa likod ng pagpatay kay Abrigo.

Panawagan ni Valero na sana mabigyan ng katarungan ang kanyang asawa.

Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen. —Corinne Catibayan/BAP/KG, GMA News