Nabisto ng mga awtoridad sa Port of Clark ang P6.8 milyon halaga ng shabu umano na itinago sa air fryer sa tangkang pagpuslit nito sa bansa.

Sa ulat ng Balitanghali nitong Martes, inilahad ng Bureau of Customs na nagmula sa Malaysia ang nabistong ilegal na droga matapos dumaan sa x-ray.

Makalipas ang dalawang araw, naaresto ang claimant ng kargamento sa isinagawang operasyon sa Cebu City.

Nahaharap sa patong-patong na reklamo ang claimant, na hindi nagbigay ng pahayag. — Jamil Santos/DVM, GMA News