Natagpuang patay ang isang lalaking rider sa C5 Road sa Taguig nitong Lunes ng gabi, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.

May mga tama ng bala ng baril ang biktimang hindi pa nakikilala. Nakita ang kaniyang bangkay sa tabi ng kaniyang motorsiklo.

Blanko pa ang mga otoridad kung sino ang salarin at ano ang motibo sa krimen. —KBK, GMA News