Nasagip ng mga awtoridad sa Parañaque City ang isang Chinese na umano'y dinukot noong Biyernes ng gabi.

Sa ulat ng "Dobol B TV" nitong Sabado ng umaga, sinabing nagpunta sa police station ang isa pang Chinese, kasaman ang isang Malaysian, upang isumbong ang pagdukot sa biktima.

Natagpuan ang biktima sa 19th floor ng isang gusali sa Barangay Don Galo.

Naaresto ang anim na suspek, kabilang ang dalawang kapwa Chinese din.

Iniimbestigahan na ng mga pulis ang mga suspek at ang biktima. —LBG, GMA News