Patay ang dalawang drug suspects matapos umanong makaengkuwentro ang mga pulis sa Pasig City nitong Linggo nang gabi, ayon sa ulat ni Bam Alegre sa Unang Balita nitong Lunes.

Kinilala ang isa sa mga napatay na suspek na si Arthur Abdul habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng kasama niya.

Aabot sa 22 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng halos P150 milyon ang nabawi sa dalawa. Dalawang baril din ang nakuha sa crime scene.

Mismong si bagong Philippine National Police chief Police General Guillermo Eleazar ang bumisita sa pinangyarihan ng engkuwentro.

"Ito (police operation) ay produkto ng ating coordination na ginagawa," ani Eleazar. —KBK, GMA News