Napatay ang isang oso na napadpad sa isang paaralan at army base matapos itong mabaril ng mga hunter sa Hokkaido, Japan.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing namataan ang oso na nakapasok sa isang junior high school sa Sapporo City.

Kalaunan, nakapasok din ito sa isang army base kung saan apat ang nasaktan, kabilang ang isang sundalo.

Dito na nagdesisyon ang mga hunter ang oso. -Jamil Santos/MDM, GMA News