Nalunod ang tatlong bata isang sapa sa Las Piñas City matapos tumaas ang tubig dahil sa pag-ulan noong Lunes.

Iniulat ni Mai Bermudez sa Unang Balita nitong  Miyerkules na nagkagulo ang mga residente sa Barangay Pulang Lupa 1 sa lungsod ng Las Piñas ng matagpuan ang bangkay ng mga bata sa isang sapa noon Lunes ng hapon.

Magkakalaro umano ang tatlong bata na may mga edad 7, 9, at 12 at nagkayayaang maligo sa sapa.

Pero dahil sa matinding buhos ng ulan, biglang tumaas ang tubig sa sapa at nalunod ang mga bata.

Naisugod pa sa pagamutan ang mga biktima pero binawian din sila ng buhay. —LBG, GMA News