Panandaliang tumigil ang operasyon ng Metro Rail Transit-Line 3 (MRT3) Miyerkoles bago mag-tanghali matapos na may mamataang hindi pa matukoy na indibidwal sa riles ng Guadalupe at Buendia station southbound.

Sa isang pahayag, sinabi ng pamunuan ng MRT3 na 11:35 a.m. nang makita ang tao sa riles.

Agad na naiulat sa Safety and Security personnel ang insidente, kaya 11:53 a.m. nang hulihin ang indibidwal ng mga security personnel at dinala sa Buendia Station platform.

Bumalik ang operasyon ng MRT3 ng 12:21 p.m.

Patuloy ang imbestigasyon at maglalabas ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng MRT3.

 

—LBG, GMA News