Nahuli na ang suspek sa pambabato sa isang bagon ng tren ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) sa may Taft Avenue umaga nitong araw ng Linggo.

Ayon sa ulat ni Luisito Santos ng Super Radyo dzBB, sinabing isang basurero ang suspek at nahuli ito sa may isang construction site malapit sa Taft Avenue.

Ayon sa ulat, sinabi ng Department of Transportation (DOTr) at ng pamunuan ng MRT3 na iniimbestigahan na ang motibo sa pamabato ng suspek.

Isang pasahero ng MRT3 ang nasugatan sa ulo dahil sa pambabato ng suspek na tumama sa salamin ng isang bagon.

Nangyari ang insidente dakong 6:51 a.m. sa pagitan Taft Avenue at Magallanes Stations.

Nadala na sa pagamutan ang biktima. —LBG, GMA News