Arestado ang isa sa dalawang suspek na nahuli-cam na nagnakaw ng motorsiklo sa Sampaloc Maynila noong December 3.

Iniulat ng "Unang Balita" nitong Huwebes na natunton ng mga pulis ang kinaroroonan ng isang suspek at inaresto ito.

"Mula nung  December 3, nakaroon ng continues backtracking operation ang mga operatiba natin ," ayon kay PSSG. Randolpn Pellesco ng Manila Police District Anti-Carnaping Unit.

Dagdag ni Pellesco, "Hanggang nung Decmeber 7, ang operasyon ay nag-lead sa atin sa dulo ng Tomas Mapua Street, kung saan ipinasok yung stolen motorcycle."

Sa follow-up operation ng mga awtoridad, natukoy ang mga suspek, ayon sa ulat.

Naging lead umano ng mga awtoridad ang mga kuha ng CCTV na ginamit sa backtracking operation.

Nang matunton, agad na inaresto ang isa sa mga suspek. —LBG, GMA News