Arestado ang isang 22-anyos na lalaki sa panghahalay umano sa isang 7-anyos na batang lalaki sa Maynila, na pipi at bingi.

Ayon sa mga pulis, nangyari ang insidente noong March 9, 2022 sa may tabing-ilog sa likod ng isang mall sa Divisoria.

Ayon sa mga pulis, ang biktima ay anak ng ka-live in partner ng suspek.

Dagdag ng mga pulis, wala silang natanggap na reklamo, pero na pansin nila ang krimen dahil sa nag-viral na video ng panghahalay.

Batay sa kanilang pag-aaral, napag-alaman nila na ang suspek ay dati na ring nahulihan nila ng droga. —LBG, GMA News