Isang mananaya ang nanalo ng mahigit P100 milyon sa Ultra Lotto 6/58 nitong Martes, Mayo 24, 2022.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakasaad na P100,064,568.00 ang kabuuang premyo na tinamaan ng mapalad na mananaya.

Nakuha niya ang winning combination numbers na 20-22-09-54-06-19.

Samantala, wala namang tumama sa kasabay nitong draw na Superlotto 6/49  na may premyong P18,272,876.00.

Ang lumabas na mga numero ay 22-32-02-38-25-33

Wala ring tumama sa Lotto 6/4 na ang kombinasyon na lumabas ay 13-29-26-11-12-34, at P30,265,196.20 na ang premyo.--FRJ, GMA News