Isang mananaya ang biglang naging bigtime milyonaryo matapos niyang mag-isang tamaan ang mahigit P100 milyon papremyo sa Megalotto 6/45 draw nitong Biyernes ng gabi, June 17, 2022.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakasaad na P103,269,281.60 ang kabuuang premyo na tinamaan ng isang mananaya.

Nakuha niya ang winning combination numbers na 10-12-02-27-03-18.

Samantala, wala namang tumama sa kasabay nitong draw na Ultra Lotto 6/58 na may premyong P49,500,000.00.

Ang lumabas na mga numero ay 26-06-43-40-12-04.

Sa Sabado, June 18, muling magkakaroon ng bola para sa Grand Lotto 6/55 na umaabot na sa P205 milyon ang premyo. --FRJ, GMA News