Arestado ang tatlong lalaki sa Malabon matapos makunan ng mahigit siyam na gramo ng hinihinalang shabu.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, sinabing nagkasa ng buy-bust operation ang Navotas Police at nahuli ang tatlong suspek.

Nasabat din mula sa kanila ang apat na pakete ng umano'y shabu na nagkakahalaga ng mahigit P60,000.

Nakuha rin mula sa mga suspek ang buy-bust money na P500.

Nalaman din umano ng mga pulis na may arrest warrant mula sa Malabon Rigional Trial Court para sa isa sa tatlong suspek na may kinalaman sa paglabag sa Conprehensive Dangerous Drugs Act.  —LBG, GMA News