Sa kulungan ang bagsak ng isang pulis at isa pa niyang kasamahang lalaki matapos masamsam sa kanila ang P3.4 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa North Caloocan.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency ang opisyal na si Police Corporal Mark Jefferson Lopez.

Kinilala naman ang kaniyang kasamahan na si John Raster Muñoz.

Nabawi ng mga awtoridad ang ilang armas, mga pekeng pera, cellphone at tatlong plastic bag na may laman umanong droga mula sa mga suspek.

Nahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. —Jamil Santos/LBG, GMA News