Magiging masaya ang bagong taon ng dalawang mananaya na mapalad na maghahati sa higit P521 milyong jackpot prize sa UltraLotto 6/58 draw nitong Biyernes ng gabi, Disyembre 30, 2022.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakasaad na dalawa ang nanalo matapos makuha ang winning combinations na 01-23-15-03-08-05.

Umabot ang premyo nito sa kabuuang P521,275,111.60.

Wala namang tumama sa kasabay nitong draw na Megalotto 6/45, na ang lumabas na mga numero ay 27-28-40-14-03-34, at may premyong P15,200,497.60.--FRJ, GMA Integrated News