Nasabat ng mga awtoridad ang umano'y nasa P140,00 halaga ng hinihinalang shabu sa operasyon sa Barangay San Roque sa Navotas City at naaresto ang dalawang suspek.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, kinilala ang dalawang suspek na sina Alyas Willy at Alyas Mac-Mac.

Ayon sa mga pulis matagal nang nagtutulak ang mga suspek at parehong nakulong na rin.

Karamihan daw sa mga parokyano ng dalawa ay mga mangingisda at tricycle driver.

Nakumpiska rin sa mga suspek ang isang baril at dalawang bala, ayon sa ulat.

Tumangging magbigay ng pahayag ang mga suspek na mahaharap sa kaukulang reklamo, dagdag pa ng ulat. —LBG, GMA Integrated News