Nasolo ng isang mananaya sa Angeles City, Pampanga ang mahigit P37 milyon jackpot prize sa Megalotto 6/45 draw nitong Lunes ng gabi, Pebrero 20, 2023.

Sa Facebook page ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakasaad na ang lumabas na winning combination ay 17-23-31-10-21-14, at may kabuuang premyo na P37,251,519.80.

Wala namang tumama sa kasabay nitong draw na Grand Lotto 6/55. Ang lumabas na mga numero ay 15-20-08-28-19-05, at umabot ang premyo sa P58,915,919.60.

Nitong Linggo, isang mananaya naman mula sa Northern Samar ang nakasolo sa mahigit P63 milyong jackpot prize sa Super Lotto 6/49 draw. --FRJ, GMA Integrated News