Arestado ang isang lalaki sa Quezon City na nangmolestiya umano sa menor de edad niyang anak.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles sinabi umano ng mga pulis na narining ng isang kapitbahay na dumadaing ang batang biktima kaya sumilip siya sa bahay.

Doon na raw nakita ng kapitbahay ang ginagawa ng suspek sa sariling anak nito.

Agad umanong isinumbong ng nakakita sa insidente sa kanilang purok lider, na agad ding nagsumbong sa mga pulis.

Inaresto ang suspek na umamin umano sa alegasyon.

Inihahanda na ang reklamo laban sa suspek. —LBG, GMA Integrated News