Imbes na pumaimbulog, bumulusok ang isang sky lantern sa gitna ng kasayahan sa isang pista sa Thailand.

Makikita sa video na inilabas ng Unang Balita nitong Huwebes ang pagbagsak ng lantern sa lupa, at ang pagtakbuhan palayo ng mga tao.

Maya-maya pa ay tuluyang sumabog ang lantern dahil may karga umano itong paputok.

Wala umanong nasaktan sa insidente, ayon sa ulat. —LBG, GMA Integrated News