Nasabat ng mga awtoridad ang mahigit P3 milyong halaga ng umano'y shabu sa Pasay City, at naaresto ang isang suspek.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, sinabing nakalagay ang umano'y droga sa isang parcel na galing India.

Naaresto ang babaeng tumanggap ng parcel na kinilalang si Catherine Amatyagang, alyas "Ashley Alonzo."

Depensa ng suspek, binayaran siya ng P5,000 para tanggapin ang parcel.

Mahaharap ang suspek sa kaukulang reklamo. —LBG, GMA Integrated News