Ideneklara na ng mga bumbero na naapula na ang sunog  sa isang commercial establishment sa Quezon City.

Sa ulat ng Unang Balita nitong  Biyernes, sinabing ayon sa mga bumbero, dakong 6:30  pa ng umaga naapula ang apoy sa ika-27 palapag sa isang corporate center.

Karamihan daw sa mga natupok ay office supplies at computers.

Hindi na umano pinapasok ang ilang empleyadong nagtatrabaho sa gusali sanhi ng isinasagawang assessment ng mga awtoridad. —LBG, GMA Integrated News