Nasabat ng mga awtoridad ang mahigit P2 milyong halaga ng umano'y shabu sa isang buy-bust operation sa Valenzuela City.

Iniulat sa Unang Balita nitong Miyerkoles na ayon sa Northern Police District naaresto sa operasyon ang suspek na kinilalang si Aaron Timplado na isang Grade 11 student na taga-Caloocan.

Mahaharap siya sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Act. —LBG, GMA Integrated News