Nasabat ang mga awtoridad ang mahigit P8 milyong halaga ng umano'y shabu sa buy-bust operation sa Maynila, at naaresto ang suspek.

Iniulat sa Unang Balita nitong Biyernes ni Darlene Cay na isinagawa ang operasyon sa Santa Cruz, Maynila.

Nakuha sa suspek ang mahigit isang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P8 milyon.

"We are not expecting na ganoon kalaki yung mako-confiscate at mare-recover natin because ang initial na target ng mga operative natin sa transaksyon ay makabili ng isang bulto lang. When the buy-bust op was consummated, nagulat kami may ganoon siya karaming dala," pahayag ni Police Lt. Col. Melvin Florida, Jr., hepe ng Manila DEU.

Iinimbestigahan pa ng mga pulis kung sino ang kasabwat ng suspek at kung saan kinukuha ang item, ayon sa ulat.

Tumangging magbigay ang naarestong suspek.

Patuloy ang follow-up operations ng mga pulis. —LBG, GMA Integrated News