Umaabot na sa mahigit P157 milyon ang premyo sa Megalotto 6/45 na wala pa ring tumama sa isinagawang draw nitong Lunes ng gabi, Mayo 1, 2023.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakasaad na walang mananaya ang nakahula sa mga numerong lumabas na 05-27-20-37-39-24.

Umabot ang kabuuang premyo nito sa P157,534,732.40.

Ginagawa ang pagbola o draw ng Mega Lotto 6/45 tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes sa ganap na 9 p.m.

Samantala, wala ring tumama sa kasabay nitong draw nitong Lunes na Grand Lotto 6/55 na ang mga lumabas na numero ay 03-11-02-51-31-43.

Umaabot na ang premyo nito sa halagang P46,992,471.80. -- FRJ, GMA Integrated News