Nagtamo ng malalang sugat ang isang 11 taong gulang na lalaki matapos siyang aksidenteng mabaril ng pulis na rumesponde sa kaniyang tawag sa kanilang tahanan sa Mississippi, U.S.A.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, sinabing tumugon ang pulis sa sumbong ng bata dahil nagbabanta umano ang kaniyang ama sa kaniyang ina.

Mapapanood sa body camera footage ang pagpapakilala ng pulis, na pinalabas ang isang babae.

Matapos nito, pumasok na ang pulis sa pinto, at lumabas naman ang bata mula sa isang kuwarto.

Dito, aksidenteng nabaril ng awtoridad sa dibdib ang bata.

Ligtas na ang biktima, bagama’t nagtamo siya ng malalang sugat.

Nagsampa ng kaso ang pamilya ng bata, ngunit nagpasiya ang jury na hindi kasuhan ang pulis dahil wala siyang criminal intent nang mabaril ang biktima. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News