Hinuli ang isang construction worker sa Quezon City dahil sa panggagahasa umano sa kaniyang 12-anyos na pinsan, ayon sa ulat ni GMA Integrated News reporter James Agustin sa Unang Balita nitong Miyerkoles.

Humingi ng saklolo ang biktima at kaniyang ina sa pulis para imbestigahan ang insidente.

“Di ko po talaga alam. Naka-droga po ako nun e. 'Di ko alam tumatakbo sa isip ko kaya ko nagawa yun. Sana mapatawad na lang po nila ako,” sabi ng suspek.

Bago maaresto , nagtago pa ang suspek sa imburnal nang isang oras.

Haharap sa kasong statutory rape ang suspek. — Joviland Rita/RSJ, GMA Integrated News