Isang 51-anyos na lalaking truck driver na wanted sa pagbebenta umano ng ilegal na droga sa Quezon City at frustrated murder sa Valenzuela ang nahanap at inaresto ng mga awtoridad sa San Jose del Monte, Bulacan,Sa ulat ni James Agustin sa Unang Balita nitong Biyernes, sinabing natunton sa kaniyang inuupahang bahay ang lalaki na subject ng warrant of arrest para sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act, at hiwalay na kasong frustrated murder.Ika-apat sa most wanted person ng Quezon City Police District ang lalaki.Hindi niya sinagot ang tanong kung talagang nagbebenta siya, ngunit alam niya ang tungkol sa kaniyang arrest warrant."In-apply ko po ng provision ‘yun, na-deny po ako ru’n. ‘Yun lang po ang alam kong may warrant ako, kasi kumuha po ako ng NBI para asikasuhin ko po ang mga papeles ko sa provision ko,” sabi ng lalaki.“Wala po akong alam diyan, wala akong idea. No comment na lang po ako diyan sa may Valenzuela. Kung meron naman, sa husgado ko na lang po idaan ‘yan. Labanan ko na lang sila,” sabi ng lalaki tungkol naman sa hiwalay niyang kaso sa Valenzuela.Nakakulong na sa Camp Karingal ang lalaki samantalang hinihintay ang commitment order mula sa korte.—Jamil Santos/AOL, GMA Integrated News