Magiging co-host ni Vice Ganda ang Sparkle artist na si Vince Maristela sa “Gandang Gabi Vice."

Sa Instagram, nagbahagi ang Sparkle GMA Artist Center ng clip ng episode nitong Biyernes ng “It’s Showtime,” kung saan inanunsyo ni Vice na magiging bahagi si Vince ng show.

“Abangan niyo si Vince Maristela kasi kasama namin siya sa ‘Gandang Gabi Vice,’” sabi ni Vice. “Meron akong ii-introduce doon na grupo. Kasama siya.”

“Yes, excited na excited na ako!” tugon ni Vince.

Inanunsyo nitong Agosto na mapanonood na ang “Gandang Gabi Vice” sa GMA Network, na nagsisilbing panibagong collaboration nito sa ABS-CBN.

Mapanonood ang pinakabagong season ng comedy talk show sa Setyembre 13, Linggo ng 10 p.m. — Jamil Santos/VBL GMA News