Inihayag ng bagong Kapuso na si Bailey May na gusto niyang makasama si Pokwang sa isang proyekto sa hinaharap.

Sa kaniyang guesting sa Unang Hirit nitong Biyernes, natanong si Bailey kung ano ang mga proyekto na gusto niyang masubukan sa GMA Network.

“Action, comedy, horror,” tugon niya.

At nang tanungin kung sino ang gusto niyang maging leading lady, tugon ni Bailey, “Pokwang. Why not?”

Binalikan din ni Bailey ang kaniyang karanasan bilang miyembro ng global pop group na Now United, at inilarawan ito bilang isa pang biyaya sa kaniyang buhay.

“Another blessing for me in my life. I got to learn from the best choreographers, producers, so I learned so much, and I’m able to put what I learned here in GMA,” sabi niya.

Pumirma si Bailey sa Sparkle sa GMA Network nitong Miyerkoles.

Sumikat siya matapos maging 4th Big Placer ng "Pinoy Big Brother: 737" noong 2012.

Sa social media, sinabi ng Sparkle na Bailey May "is bringing with him years of experience as an artist and performer." -- Carby Rose Basina/Jamil Santos/FRJ GMA News