Magkakaroon na ng baby no. 2 ang aktor na si Tom Rodriguez at ang kaniyang non-showbiz wife.
Ibinahagi ng aktor ang magandang balita sa panayam sa kaniya ni Nelson Canlas sa GTV News Balitanghali nitong Lunes.
“This March, another baby boy. So thank you, Lord, another blessing,” anang aktor..
Idinagdag ni Tom, na nagwo-workout siya upang magkaroon ng lakas sa pagbubuhat ng pangalawang anak.
Ibinahagi rin ng aktor ang kasiyahan ng panganay niyang anak na si Korben sa nalalapit nitong pagiging kuya.
“Sabi ko, ‘Korben, remember, you were a baby in mama’s tummy, now, baby Koda’s in there. Grabe yung kilig niya,’” sabi ni Tom.
“Sabi niya, Kuya Korben. So now, he’s starting to wear it as a badge of honor,” dagdag niya.
November 2024 nang ipaalam ni Tom na isa na siyang ama sa anak niyang si Korben.
Noong June 2025, ibinahagi niya ang kanilang family photo.
Kinumpirma naman ni Tom nitong nakaraang December na kasal na sila ng kaniyang non-showbiz partner—FRJ GMA News
